Thursday, January 3, 2008
Chiquito and Christmas Party
I promised to introduce Chiquito, the latest addition to the MMJP family. Chiquito is my pet dog. He is two months old. He is a chihuahua. But right now he is sick. So I don't want to talk about him right now. I am sad.
Kaya yung Christmas Party muna ang pag-usapan natin. Mas masayang usapan upang sandaling makalimot sa karamdaman ni Chiquito (bawal muna dumalaw kay Chiquito, under medication siya). Unahin natin ang Youth Christmas Party noong December 28 ng gabi, na ginanap sa Multi-Purpose Hall (sa fiesta ay officially papangalanan na nating Cardinal Sin Hall or Hall of Sin in honor of the Cardinal who established our parish). Masaya ang hinandang program ni Ate Jackie at ng mga kabataan. Ebidensya dito ang pagyanig ng buong building dahil sa lakas ng tawanan at sigawan sa mga very exciting na parlor games. Nakita ko ang mga miyembro ng iba't ibang youth organizations sa parish, HPC, LOM, Lectors, Altar Servers, Canticle, Youth Choir at syempre ang matibay na Core Group. Masaya sila dahil marami akong binigay na cakes, na marami din ay expired na (may sumakit ba ang tiyan?).
Kinabukasan, maaga namang naghanda ang iba't ibang organizations at ministries ng parokya para sa Parish Christmas Party na ginanap din sa Hall of Sin. Pot luck ang usapan sa pagkain at may dala din ang mga organizations na prizes para sa raffle at parlor games. May games para sa senior citizens, merong para sa mga bata, merong para sa lahat, at merong isang exclusive para sa pari. Mali daw ang sagot ko sa 6th commandment (sabi ko "Thou shall not steal") na sinang-ayunan ni Bheng, Millet, Bro. Johnny, etc. Sabi ni Ate Nor mali daw, "Thou shall not commit adultery daw." Nakakahiya. Tinanong ko si Fr. Albert kung ano ang 6th commandment, sabi niya "Thou shall not kill." Hehehe. Nakakadulot pala ng memory gap ang pasko. Anyway, wala na kayong magagawa. Ang protesta ay ginawa noong tapos na ang game at party kaya no bearing na, panalo na ako. Yehey! Belat!
Masaya ang naging pagdiriwang ng Pasko sa ating parokya. Sana isang tanda at hudyat na magiging maganda rin ang taong 2008. Sama-sama pa rin tayo sa paglilingkod sa Bayang Tinawag ng Ama tungo sa Kaganapan ng Buhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment