Monday, January 28, 2008

In Memoriam: Sis. Cely Siyang

Katatapos lamang ng funeral mass ni Sis. Cely. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at hanggang ngayon ay nakakatanggap ng mensahe mula sa iba't ibang tao tungkol kay Sis. Cely at kung ano ang mga matatamis na alaala nila tungkol sa kanya. Kanina sa homilya, sinabi ko, hindi kumpleto ang kasaysayan ng parokyang ito kung hindi babanggitin ang pangalang "Sis. Siyang."

Alam ko na lahat naman ay sasang-ayon dito. Noong mamatay si Sis. Cely marami ang nalungkot. Naalala ng iba na noong bata sila, si Sis. Cely ang umaakay sa kanila upang magdasal ng rosaryo sa bahay-bahay dito sa Comembo. Si Sis. Cely daw ang nagturo sa kanila na magdasal. May nag-text pa sa akin, noong bata daw sila si Sis. Cely ang katekista nila at tinuro sa kanila ang novena sa Sto. Nino upang tulungan daw sila sa kanilang pag-aaral. Sabi niya, hanggang high school at college, hanggang matapos siya sa pag-aaral dinadasal niya ang novena na itinuro ni Sis. Cely. At sino ang makakalimot sa larawan ng isang Sis. Cely na naglalakad papunta sa simbahan, may tungkod at alam mong nahihirapan, pero hindi magpapa-awat makapaglingkod lamang sa altar ng Panginoon?

Salamat sa inspirasyon Sis. Cely. Nais ko sanang tawagin kang "
Parishioner of the Month" o "Parishioner of the Year", subalit alam kong kulang iyon upang parangalan ka. Halos apat na dekada ang buong pusong paglilingkod mo sa parokyang ito. Isang uri ng paglilingkod na sumasalamin sa paglilingkod na itinuro ni Hesus, paglilingkod na walang hininging kapalit. Naniniwala ako na iyon ang sukatan ng pagiging isang tunay na mamamayan ng Comembo. Hindi kapirasong papel ang sukatan ng pagiging mamamayan, nasa puso ito, nasa isip, nasa kaluluwa. Salamat at matatamis ang alaalang iniwan mo. Kanina nakakalungkot ang awit nang matapos ang misa. Pero iyon ang mga salitang nais naming ulit-ulitin sa iyo Sis. Cely:

"Sa bawat pag-ikot ng ating buhay
May oras kailangan na maghiwalay
Puso'y lumaban man walang magagawa
Saan ka, kailan ka, muling mahahagkan

Magkulang man sa atin itong sandali
Alam ko na tayo'y magkikitang muli
Hangga't may umaga pa na haharapin
Ikaw lang ang mamahalin..."

Sunday, January 20, 2008

Adios Chiquito. Hola Panchito!


I would like to inform the Chiquito fans that I decided to return Chiquito to his breeder. The doctor said there is no certainty he will recover from the parasite. Anyway, the breeder was good enough to replace the puppy. And so from the original black and white Chiquito, I now have a brown and choco chihuahua (chi for short). Mi perro se llama Panchito. Panchito es mas bonito y mas listo que Chiquito. Panchito tiene dos meses y tambien tiene una hermana, se llama Chestnut. Chestnut es la segunda hija de Ariel.

Oops, I got carried away. Chihuahuas, for those who do not know yet, originate from the state of Chihuahua, Mexico (por eso, hablo espanol), where it was discovered in 1850. Up until now, it is considered the smallest breed of dog. Chi's are classified as toy dogs. Generally they are described as courageous, extremely lively, proud, enterprising, bold, saucy, strong-willed, intensely loyal, jealous, suspicious and dog-aggressive. They are considered very safe, but not for little children. According to one internet article, they are good companions for grandparents, for the oldies who are left behind at home with nothing to do. After reading that, I began to wonder why I chose a chi for a pet dog. I'm not that old yet.

I think I was 9 when I last had a pet dog. His name was Ringo. Ringo was an askal. Askals are the cheapest breed of dogs. Hehehe. Anyway, I hope Panchito will stay free from any parasite or virus. Otherwise, I will have to start filling up my aquariums once again.

Thursday, January 3, 2008

Chiquito and Christmas Party


I promised to introduce Chiquito, the latest addition to the MMJP family. Chiquito is my pet dog. He is two months old. He is a chihuahua. But right now he is sick. So I don't want to talk about him right now. I am sad.



Kaya yung Christmas Party muna ang pag-usapan natin. Mas masayang usapan upang sandaling makalimot sa karamdaman ni Chiquito (bawal muna dumalaw kay Chiquito, under medication siya). Unahin natin ang Youth Christmas Party noong December 28 ng gabi, na ginanap sa Multi-Purpose Hall (sa fiesta ay officially papangalanan na nating Cardinal Sin Hall or Hall of Sin in honor of the Cardinal who established our parish). Masaya ang hinandang program ni Ate Jackie at ng mga kabataan. Ebidensya dito ang pagyanig ng buong building dahil sa lakas ng tawanan at sigawan sa mga very exciting na parlor games. Nakita ko ang mga miyembro ng iba't ibang youth organizations sa parish, HPC, LOM, Lectors, Altar Servers, Canticle, Youth Choir at syempre ang matibay na Core Group. Masaya sila dahil marami akong binigay na cakes, na marami din ay expired na (may sumakit ba ang tiyan?).

Kinabukasan, maaga namang naghanda ang iba't ibang organizations at ministries ng parokya para sa Parish Christmas Party na ginanap din sa Hall of Sin. Pot luck ang usapan sa pagkain at may dala din ang mga organizations na prizes para sa raffle at parlor games. May games para sa senior citizens, merong para sa mga bata, merong para sa lahat, at merong isang exclusive para sa pari. Mali daw ang sagot ko sa 6th commandment (sabi ko "Thou shall not steal") na sinang-ayunan ni Bheng, Millet, Bro. Johnny, etc. Sabi ni Ate Nor mali daw, "Thou shall not commit adultery daw." Nakakahiya. Tinanong ko si Fr. Albert kung ano ang 6th commandment, sabi niya "Thou shall not kill." Hehehe. Nakakadulot pala ng memory gap ang pasko. Anyway, wala na kayong magagawa. Ang protesta ay ginawa noong tapos na ang game at party kaya no bearing na, panalo na ako. Yehey! Belat!


Masaya ang naging pagdiriwang ng Pasko sa ating parokya. Sana isang tanda at hudyat na magiging maganda rin ang taong 2008. Sama-sama pa rin tayo sa paglilingkod sa Bayang Tinawag ng Ama tungo sa Kaganapan ng Buhay.