Friday, August 17, 2007

Parishioner of the Month: Ate Noemi



May nagmungkahi sa akin na magkaroon tayo ng special feature dito sa blogspot natin, "Parishioner of the Month." Hindi ko maisip kung paano gagawin ang pagpili o pagboto. Kasi kung online voting, baka naman iboto lang ni Almond ang sarili niya ng hundred million times. Pero naisip ko na para sa buwan na ito ng Agosto, ako na ang pipili ng parishioner of the month. At ang napili ko ay walang iba kundi si Ate Noemi Hubilla.

Isa si Ate Noemi sa pinaka-unang mga naging Lector and Commentator ng ating parokya. Isang mahusay at iginagalang na guro, nakita rin ang husay niya at sipag sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos. Hindi kalaunan ay napili siya na maging coordinator ng nasabing ministry at halos ayaw na siyang papalitan ng mga kasapi nito dahil sa kanyang mga nagawa para sa samahan lalo na sa kanilang masasayang monthly meetings. Small but terrible, wika nga.

Hindi daw niya makakalimutang karanasan nung ipinatawag ko siya noong kasalukuyang ginagawa ang altar ng ating simbahan. Sa kanya ko ipinasukat ang ginagawang lectern. Sabi ko sa engineer, hindi pwedeng sobrang taas, hindi rin pwedeng sobrang baba. Yung tamang-tama lang na maaabot ng pinaka magaling kong lector, si Ate Noemi (O, huwag na magselos ang iba. :)). Hindi daw niya yon makakalimutan kasi pinahalagahan siya. Pero may isang karanasan naman ako na di malilimutan. Minsan, pagkatapos ng misa, lumapit si Ate Noemi sa akin sa sacristy. May akay-akay na isang matandang babae. "Father, kapitbahay ko po siya. First time po niyang makasimba dito sa ating parokya. Wala daw po kasing nagsasama sa kanya at wala rin siyang mga kakilala dito sa atin kaya di siya nakakasimba. Nangako po ako na isasama ko siya dito." Hindi ko rin malaman ang sasabihin ko noong sandaling iyon sa sobrang saya. Akala ko walang nakikinig sa akin kapag nagsesermon ako. Kapag sinasabi ko na sana makapag-akay tayo ng ibang tao na makalapit sa Diyos at lalo na sa Banal na Misa. Si Ate Noemi, hindi lang sa lectern nagpahayag ng Salita ng Diyos. Maging sa tunay na buhay, nagawa niya at nagagawa niya.

Umalis si Ate Noemi kahapon kasama si Nonoy papuntang Amerika. Si Nelson, ang asawa niya ay nauna na sa kanila doon. Nakakalungkot na nabawasan tayo ng isang tunay na lingkod. Pero harinawa, magkitakita muli tayo at mag-krus ang ating mga landas. Ate Noemi gives proof to the old adage, "The best gifts come in small packages."

1 comment:

joie said...

Bilang member ng L&C hanga talaga ako dyan kay ate noems...sincere yan na tao,dedicated sa ginagawa niya at super duper bait to the max.Wish ko nga po maging maligaya siya palagi at maging matagumpay sa lahat ng gagawin niya sa buhay... Ate noems missed ko na yong sweet smile mo... Ingat kayo palagi dyan nila kuya Nelson at Nonoy...Love u...