Friday, August 17, 2007
Parishioner of the Month: Ate Noemi
May nagmungkahi sa akin na magkaroon tayo ng special feature dito sa blogspot natin, "Parishioner of the Month." Hindi ko maisip kung paano gagawin ang pagpili o pagboto. Kasi kung online voting, baka naman iboto lang ni Almond ang sarili niya ng hundred million times. Pero naisip ko na para sa buwan na ito ng Agosto, ako na ang pipili ng parishioner of the month. At ang napili ko ay walang iba kundi si Ate Noemi Hubilla.
Isa si Ate Noemi sa pinaka-unang mga naging Lector and Commentator ng ating parokya. Isang mahusay at iginagalang na guro, nakita rin ang husay niya at sipag sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos. Hindi kalaunan ay napili siya na maging coordinator ng nasabing ministry at halos ayaw na siyang papalitan ng mga kasapi nito dahil sa kanyang mga nagawa para sa samahan lalo na sa kanilang masasayang monthly meetings. Small but terrible, wika nga.
Hindi daw niya makakalimutang karanasan nung ipinatawag ko siya noong kasalukuyang ginagawa ang altar ng ating simbahan. Sa kanya ko ipinasukat ang ginagawang lectern. Sabi ko sa engineer, hindi pwedeng sobrang taas, hindi rin pwedeng sobrang baba. Yung tamang-tama lang na maaabot ng pinaka magaling kong lector, si Ate Noemi (O, huwag na magselos ang iba. :)). Hindi daw niya yon makakalimutan kasi pinahalagahan siya. Pero may isang karanasan naman ako na di malilimutan. Minsan, pagkatapos ng misa, lumapit si Ate Noemi sa akin sa sacristy. May akay-akay na isang matandang babae. "Father, kapitbahay ko po siya. First time po niyang makasimba dito sa ating parokya. Wala daw po kasing nagsasama sa kanya at wala rin siyang mga kakilala dito sa atin kaya di siya nakakasimba. Nangako po ako na isasama ko siya dito." Hindi ko rin malaman ang sasabihin ko noong sandaling iyon sa sobrang saya. Akala ko walang nakikinig sa akin kapag nagsesermon ako. Kapag sinasabi ko na sana makapag-akay tayo ng ibang tao na makalapit sa Diyos at lalo na sa Banal na Misa. Si Ate Noemi, hindi lang sa lectern nagpahayag ng Salita ng Diyos. Maging sa tunay na buhay, nagawa niya at nagagawa niya.
Umalis si Ate Noemi kahapon kasama si Nonoy papuntang Amerika. Si Nelson, ang asawa niya ay nauna na sa kanila doon. Nakakalungkot na nabawasan tayo ng isang tunay na lingkod. Pero harinawa, magkitakita muli tayo at mag-krus ang ating mga landas. Ate Noemi gives proof to the old adage, "The best gifts come in small packages."
Monday, August 13, 2007
May Mapag-usapan lang...
Wala na mapag-usapan. Ganito na lang, sa chatterbox, sagutin lang ang tanong na "Ano ang limang paborito kong pelikula of all time?" Pwede local film pwede foreign film. Pwede mo rin ipaliwanag pero baka naman masyado humaba. Umpisahan ko na:
1. Anak - Starring Vilma Santos, Claudine Barretto: medyo tumama lang ang iba't ibang aspeto ng pelikulang ito. Magaling din ang pagkakaganap. At least 5 times ko na napanuod at may sarili akong CD nito na gasgas na.
2. Crouching Tiger, Hidden Dragon - Dito ko unang hinangaan ang mga Chinese films. Hindi lang ito tungkol sa martial arts nila o sa bakbakan sa ibabaw ng kawayan. Malalim. Nanalo ng Oscar Awards for Best Foreign Film.
3. The Passion of the Christ - Di na siguro kailangan ipaliwanag.
4. Mar Adentro - Spanish film. Isa sa pinaka mabigat na pelikulang napanuod ko. May kinalaman sa isang paraplegic na gusto na lamang wakasan ang buhay nya. Sumulat sa kanilang pamahalaan upang payagan ang euthanasia sa kaso niya. Di ko alam kung mayroong mabibili na CD o DVD nito. Napanuod ko lang sa Spanish Film Festival 2 years ago.
5. A Walk in the Clouds - Nakakakilig. hahaha.
Iyan ang una kong mga naisip. Pero baka magbago pa yang listahan ko pag naalala ko na yung iba ko pang mga napanuod.

Subscribe to:
Posts (Atom)