- Laging tanggapin ang ostiya ng may lubos na paggalang at pamimitagan.
- Maging maayos at tahimik sa pagpila sa aisle. Gawin ang pagpila ng by pew. Sundin ang pag-alalay ng mga Greeters and Collectors at bigyang daan din ang matatanda.
- Mag-bow bago sa pagtanggap ng komunyon bilang pagbibigay-galang. Hindi na kinakailangan ang pagluhod pagkatapos.
- Sumagot ng Amen o Siyanawa bago sa pagtanggap ng komunyon.
- Pumili lamang ng isang paraan ng pagtanggap – sa kamay o sa bibig.
- Iwasang kagatin ang ostiya.
- Huwag pira-pirasuhin ang ostiya at huwag bigyan ang di pa tumatanggap ng Banal na Komunyon.
- Panatilihin ang pagiging disente sa pananamit. Ibagay ang pananamit sa okasyon. Iwasan ang pagsusuot ng shorts, spaghetti straps at halter blouses, mini-skirts, tsinelas, sumbrero at sunglasses.
- Pagkatapos tanggapin ang komunyon, bumalik nang tahimik sa upuan at magdasal ng taimtim.
- Sa mga nakakatanda, gabayan at paalalahanan ang mga mas nakababata sa mga dapat tandaan sa pagtanggap ng Katawan ni Kristo.
Monday, June 18, 2012
Mga Dapat Tandaan sa Pagtanggap ng Banal na Komunyon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment