Monday, May 28, 2012

Summer Outing 2012

       Isang buong araw na puno ng saya, chibog, langoy at laro ang naganap noong Sabado sa Ternate, Cavite. Pagdating pa lang, sinimulan na agad ng Banal na Misa ang araw na ito at pagkatapos, ika nga ni Fr.John, "Go and swim!" at iyon nga ang nangyari.

       Sulit na sulit ang pag-relax at pag-enjoy kasama ang mga kaparokya at Fr. John (at si Cracker), na siya ring pasimuno sa kakulitan at kasiyahan. Sa gitna ng walang sawang paglalangoy at halos walang katapusang kainan (pinagsama-samang mga baon, bukod pa sa mga ipinahanda ni Fr. John na samu't-saring inihaw na liempo,hotdog,atbp. na may dagdag pang mga pica-pica), mayroon pang mga Hawaiian photo session na may kasamang sayaw sa tabi ng dagat, funny face photo session at kunwaring shoot-the-ball na may premyong ala-tribong pulseras at kuwintas, at pabitin naman para sa mga bata. Di pa nakuntento, may awarding ng King at Queen ng Chibog, Langoy at Laro Parish Outing 2012. Kasama ang mga prinsesa, sila ay sinuotan ng mga kapa at animong gown, at bitbit ang korona sila ay pinarampa hanggang sa baybay-dagat. Di maikakaila na iba ang saya kapag kasama ang mga kaparokyano, siguradong puno ng bonding, at di makakalimutang Sabado ang outing na ito.

Totoo nga na, wagas na, to the max pa ang saya! 

Summer Outing 2012: May 26 - Ternate, Cavite




 *Photo credits: Ate Judith M. and Kuya Eman



   

Tuesday, January 31, 2012

Anong bago sa ating simbahan?

Matagal-tagal rin bago nakapagsulat muli dito sa ating blogspot. Sa sobrang tagal na... nakalimutan na ang maraming mga BAGONG pangyayari sa ating simbahan. Ano nga ba ang mga bago sa ating simbahan? Hmm... isa-isahin po natin.

1. Bagong PPC Officers
Ate Chat Cance - PPC Coordinator (PPCRV Coordinator)
Kuya Ega Ortega - Asst. Coordinator (isang Lay Minister at Coordinator ng El Shaddai)
Ate Joyce Bongkingki - Secretary (Legion of Mary, Social Comm's EIC, Schola Cantorum Choir)
Ate Dehl Gollayan - Treasurer (Greeters and Collectors Coordinator, Canticle of Love Choir at kabilang rin sa PREX Secretariat)
Kuya Lorence Benitez - Auditor (Legion of Marie, Social Comm, Schola Cantorum Choir)

Mabuhay ang mga bagong kasapi ng Sangguniang Pastoral! Ipagpatuloy nawa ninyo ang inyong walang sawang pagtulong sa ating simbahan.

Huwag din nating kalimutan sila kila Kuya Mhir Calopez, Ate Millette Gurango at Kuya Cesar Musngi sa kanilang hindi matatawarang paglilingkod. Maraming salamat po!

2. Bagong Ministeryo: Social Communications Ministry
Isang bagong ministeryo ang inilunsad noong nakaraang Hunyo, 2011. Ang pangunahing layunin nito ay ang ipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon sa pamamagitan ng Makabagong Teknolohiya. Isa sa mga proyekto nito ay ang Parish Newsletter na ilulunsad ngayong Pebrero. Souvenir Programs, Pag-uupdate sa Facebook at Internet ng mga gawain ng parokya at marami pang iba. Ito po ay pinamumunuan ni Ate Gladys Francisco.

3. Bagong Simbahan: Cardinal Rosales Hall, Sto. NiƱo Hall at Our Lady of Fatima Hall
Mga bagong Meeting Areas ang nadagdag sa ating simbahan. Ito ay para sa mga masisipag nating mga servers na nagmimiting para sa kanilang mga gawain, mga choir na nagpapractice para sa misa atbp. Pinananatiling malinis at maayos ang mga ito. Iniingatan at inaalagaan. =)





Maraming mga pagbabago sa ating simbahan... Mga munting pagbabago tungo sa mas ikabubuti. Patuloy na suportahan ang mga gawain ng ating simbahan upang maging kaisa tayo ni Inang Maria at ng kanyang anak na si Hesus.






Friday, June 11, 2010

Year of the Priests (June 2009-June 2010)

A video presentation for our Parish Priest FR. JOHN G. BARRO
for the Culmination of Year of the Priests.



Please continue to pray for our priests... :)


Monday, June 7, 2010

Bagong Ama ng Mary, Mirror of Justice Parish

Bicolano, guro, mentor, spiritual director, pari… ilan lang sa mga nabanggit ang mga katangian ng aming bagong kura paroko. Si Rev. Fr. John Guianan Barro ay taga hubog ng mga nais maging pari sa Holy Apostle Senior Seminary (HASS) ng sampung taon bago siya maassign sa MMJP.

Buong puso siyang sinalubong ng mga parokyano ng MMJP noong ika-1 ng Mayo. Naging mainit ang pagtanggap sa kanya noong mga nakaraang araw. Isinabay sa ika sampung taong kapistahan ng Mary Mirror of Justice Parish, ika 15 ng Mayo, sabado, sa ganap na ika anim ng gabi, ang kanyang Installation bilang bagong kura paroko na pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales. Ito ay dinaluhan ng mga pari mula sa bikaryato ng Guadalupe, mga pari mula sa HASS, mga kamag-anak, mga malalapit na kaibigan, mga parokyano ng simbahan, atbp.

Welcome to the MMJP family, Fr. John! Makaaasa po kayo sa aming suporta…

Friday, May 7, 2010

10th Parish Fiesta

FIESTA THEME: "Pasasalamat sa isang Dekada ng Pag-ibig at Pagkakaisa"

NOVENA MASSES
May 6
Fr. John Barro
Pag-ibig ni Kristo, Pinag-iisa ang lahat
May 7
Fr. Ramon Merino
Pagkakaisa sa Misyon at Pananampalataya
May 8
Fr. Jade Licuanan
Ako: Instrumento ng Pag-ibig at Pagkakairsa
May 9
Fr. Alan Dialogo
Tawag sa Bawat Pamilya: Makiisa at Makilahok sa Parokya
May 10
Fr. Albert Flores
Sambayanan: Kabuklod sa Pag-ibig ni Kristo
May 11
Fr. Rolly Garcia
Pagkakaibigan: Bukal ng Pag-ibig sa Parokya
May 12
Fr. Jayvee Zuniga
Kabarangay: Kaagapay sa Buhay-Paglilingkod
May 13
Fr. Benjie Ledesma
Kura-Paroko: Instrumento para sa patuloy na Pagkakaisa
May 14
Fr. Eric Castro
Parokya: Salamin ng Buhay at Pag-ibig ni Kristo


Tuesday, March 30, 2010

"Why are people leaving all the time?"


...What does it mean when so often someone you love, and who loves you, leaves your home, sometimes for good? Why then do you have to suffer the pain of so many departures? It may feel as if people do not really love you! Because if they love you,why would they leave you?...

...You know, your joy and your pain give you a mission. Those who came to live with you, from whom you received much and to whom you gave much, aren't just leaving you. You are sending them back to their schools, their homes, and their families, to bring some of the love they have lived with you. It's hard. It's painful to let them go. But when you realize that this is a mission, you will be able to send your friends to continue their journeys without losing the joy they brought you.

-- "Can You Drink the Cup" by Henry Nouwen