Thursday, July 26, 2012

VICARIATE BEC GENERAL ASSEMBLY 2012, MATAGUMPAY





Isang masayang Vicariate Basic Ecclesial Community (BEC) General Assembly ang naganap noong ika-30 ng Hunyo, Sabado, sa Comembo Covered Courts. Ito ay pinangunahan ni Rev. Fr. John G. Barro, Kura Paroko ng Mary Mirror of Justice Parish (MMJP) at kasalukuyang priest-coordinator ng BEC ng Bikaryato ng Our Lady of Guadalupe.

Ang nasabing general assembly ay may temang “Pamilya at Parokya, Nagkakaisa Tungo sa Sambayanang Kristiyano”. Ang programa ay sinimulan sa isang prusisyon ng mahigit anim na raang katao mula sa ibat-ibang parokya ng bikaryato. Ito ay sinundan ng isang Banal na Misa na pinamunuan ni Fr. John at ni Rev. Fr. Norman Balboa, Katuwang na Kura ng Mater Dolorosa Parish (MDP). Sa homilya ni Fr. John ay nagbigay siya ng napakagandang mensahe patungkol sa tema. Sinabi niya na layunin ng BEC ang mas lalo pang patatagin ang pagkakaisa ng pamilya at parokya nang sa gayon ay magkaroon ng isang sambayanang Kristiyano na pinagbuklod ng Diyos.

Matapos ang misa ay nagkaroon ng isang makulay at kahanga-hangang pagtatanghal mula sa Teatro Miguel, isang cultural dance group mula sa Lungsod ng Taguig. Naging masigla ang buong programa sa pangunguna na rin ng emcee na si Bro. Val Canilao ng Sta. Teresita Parish (STP). Isang pampasiglang sayawan at kantahan din ang naganap sa pangunguna ng Music Ministry ng MDP.

Bahagi ng programa ang ulat ng BEC Coordinators ng bawat parokya. Sa kanilang pagtatalakay ay lumabas ang kakulangan at problemang kinahaharap ng bawat BEC ng bikaryato. Gayunpaman, sa kabila ng mga problemang nabanggit ay mas lumalamang pa rin ang kabutihang dulot ng mga gawain ng BEC sa mga parokya.

Pagkatapos ng mga ulat ay nagbigay ng maiksing pananalita si Rev. Fr. Roderick L. Castro, Kura Paroko ng National Shrine of Our Lady of Guadalupe at kasalukuyang Vicar Forane ng bikaryato. Limang mahahalagang salita ang binigyang diin ni Fr. Eric – focus, concern, actor, authority at activity. Bawat salita ay binigyan niya ng kahulugan at kaugnayan sa tungkulin ng BEC. Sinabi rin ni Fr. Eric na layunin ng BEC na pangalagaan at pagbuklurin pa lalo ang bawat Kristiyanong Kotoliko hindi lamang sa pananampalataya kundi pati na rin sa paggawa ng kalooban ng Diyos.

Matapos ang pananalita ay nagkaroon ng pagsasalu-salo sa masarap na tanghaliang inihanda ng bawat parokya. Habang patuloy ang kasiyahan ay marami naman ang nagpakuha ng litrato sa photo booth na inihanda ng Social Communication Ministry ng MMJP. Nagpatuloy din ang kasiyahan sa inihandang sayaw ng mga miyembro ng BEC ng St. John of the Cross Parish. Natapos ang general assembly sa pasasalamat ni Fr. John sa lahat ng tumulong at nagsagawa ng plano para sa nasabing gawain.

Kasama rin sa mga paring dumalo sina Rev. Fr. Joel Mosura ng MDP at Rev. Fr. Ariel Aquino ng STP.

By: Bro. Jonathan M. Agcaoili

Monday, June 18, 2012

Mga Dapat Tandaan sa Pagtanggap ng Banal na Komunyon



  1. Laging tanggapin ang ostiya ng may lubos na paggalang at pamimitagan.
  2. Maging maayos at tahimik sa pagpila sa aisle. Gawin ang pagpila ng by pew. Sundin ang pag-alalay ng mga Greeters and Collectors at bigyang daan din ang matatanda.
  3. Mag-bow bago sa pagtanggap ng komunyon bilang pagbibigay-galang. Hindi na kinakailangan ang pagluhod pagkatapos.
  4. Sumagot ng Amen o Siyanawa bago sa pagtanggap ng komunyon.
  5. Pumili lamang ng isang paraan ng pagtanggap – sa kamay o sa bibig.
  6. Iwasang kagatin ang ostiya.
  7. Huwag pira-pirasuhin ang ostiya at huwag bigyan ang di pa tumatanggap ng Banal na Komunyon.
  8. Panatilihin ang pagiging disente sa pananamit. Ibagay ang pananamit sa okasyon. Iwasan ang pagsusuot ng shorts, spaghetti straps at halter blouses, mini-skirts, tsinelas, sumbrero at sunglasses.
  9. Pagkatapos tanggapin ang komunyon, bumalik nang tahimik sa upuan at magdasal ng taimtim.
  10. Sa mga nakakatanda, gabayan at paalalahanan ang mga mas nakababata sa mga dapat tandaan sa pagtanggap ng Katawan ni Kristo.

Sunday, June 10, 2012

“Grand Alay” for Maria



         May has always been the most joyful and the most beautiful month in summer as it is the month dedicated to the Blessed Virgin Mary. Across the country, there were different festivities and celebrations to show our love and respect of the Blessed Mother.

        Our parish, Mary Mirror of Justice has its own celebration of the Marian month. To honor her virginal virtues, every day there was an offering of flowers to the statue of the Blessed Mother, the custom of which is called “Alay sa Birhen”. To make it more special, the alay was accompanied with the singing of the choir of hymns honoring the Virgin Mary.

      As a culminating activity, the parish conducted a “Grand Alay” last May 27. The activity was spearheaded by Bro. Lorence Benitez, PPC Auditor and Sis. Jing Bonifacio, Parish Education Commissioner, together with the BEC Coordinators, Catechetical Ministry and Legion of Mary. Children (from different zones in the barangay) who faithfully attended the catechesis and the flower offering everyday May attended the activity.
To start the program, the opening prayer was led by Sis. Jing and the Opening Remarks was given by our parish priest, Rev. Fr. John G. Barro. Then followed the different presentations from the children in each BEC mission area and a simple game that tested how much the children have learned from the catechesis. The last part of the program was the awarding of special prizes such as Best in Attendance, Best in Rosary and Most Behave to chosen children from each BEC. Closing prayer and the blessing of food was led by Sis. Cathy Gabiola, one of the parish’s full-time catechists. After the program, children enjoyed the simple gifts and merienda prepared for them by the Education Commission.
Masters of ceremony were Sis. Joyce Bongkingki and Bro. Eman Iglea, both members of LOM.

Good job MMJP! We know we made it all for Mama Mary!

Monday, May 28, 2012

Summer Outing 2012

       Isang buong araw na puno ng saya, chibog, langoy at laro ang naganap noong Sabado sa Ternate, Cavite. Pagdating pa lang, sinimulan na agad ng Banal na Misa ang araw na ito at pagkatapos, ika nga ni Fr.John, "Go and swim!" at iyon nga ang nangyari.

       Sulit na sulit ang pag-relax at pag-enjoy kasama ang mga kaparokya at Fr. John (at si Cracker), na siya ring pasimuno sa kakulitan at kasiyahan. Sa gitna ng walang sawang paglalangoy at halos walang katapusang kainan (pinagsama-samang mga baon, bukod pa sa mga ipinahanda ni Fr. John na samu't-saring inihaw na liempo,hotdog,atbp. na may dagdag pang mga pica-pica), mayroon pang mga Hawaiian photo session na may kasamang sayaw sa tabi ng dagat, funny face photo session at kunwaring shoot-the-ball na may premyong ala-tribong pulseras at kuwintas, at pabitin naman para sa mga bata. Di pa nakuntento, may awarding ng King at Queen ng Chibog, Langoy at Laro Parish Outing 2012. Kasama ang mga prinsesa, sila ay sinuotan ng mga kapa at animong gown, at bitbit ang korona sila ay pinarampa hanggang sa baybay-dagat. Di maikakaila na iba ang saya kapag kasama ang mga kaparokyano, siguradong puno ng bonding, at di makakalimutang Sabado ang outing na ito.

Totoo nga na, wagas na, to the max pa ang saya! 

Summer Outing 2012: May 26 - Ternate, Cavite




 *Photo credits: Ate Judith M. and Kuya Eman



   

Tuesday, January 31, 2012

Anong bago sa ating simbahan?

Matagal-tagal rin bago nakapagsulat muli dito sa ating blogspot. Sa sobrang tagal na... nakalimutan na ang maraming mga BAGONG pangyayari sa ating simbahan. Ano nga ba ang mga bago sa ating simbahan? Hmm... isa-isahin po natin.

1. Bagong PPC Officers
Ate Chat Cance - PPC Coordinator (PPCRV Coordinator)
Kuya Ega Ortega - Asst. Coordinator (isang Lay Minister at Coordinator ng El Shaddai)
Ate Joyce Bongkingki - Secretary (Legion of Mary, Social Comm's EIC, Schola Cantorum Choir)
Ate Dehl Gollayan - Treasurer (Greeters and Collectors Coordinator, Canticle of Love Choir at kabilang rin sa PREX Secretariat)
Kuya Lorence Benitez - Auditor (Legion of Marie, Social Comm, Schola Cantorum Choir)

Mabuhay ang mga bagong kasapi ng Sangguniang Pastoral! Ipagpatuloy nawa ninyo ang inyong walang sawang pagtulong sa ating simbahan.

Huwag din nating kalimutan sila kila Kuya Mhir Calopez, Ate Millette Gurango at Kuya Cesar Musngi sa kanilang hindi matatawarang paglilingkod. Maraming salamat po!

2. Bagong Ministeryo: Social Communications Ministry
Isang bagong ministeryo ang inilunsad noong nakaraang Hunyo, 2011. Ang pangunahing layunin nito ay ang ipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon sa pamamagitan ng Makabagong Teknolohiya. Isa sa mga proyekto nito ay ang Parish Newsletter na ilulunsad ngayong Pebrero. Souvenir Programs, Pag-uupdate sa Facebook at Internet ng mga gawain ng parokya at marami pang iba. Ito po ay pinamumunuan ni Ate Gladys Francisco.

3. Bagong Simbahan: Cardinal Rosales Hall, Sto. NiƱo Hall at Our Lady of Fatima Hall
Mga bagong Meeting Areas ang nadagdag sa ating simbahan. Ito ay para sa mga masisipag nating mga servers na nagmimiting para sa kanilang mga gawain, mga choir na nagpapractice para sa misa atbp. Pinananatiling malinis at maayos ang mga ito. Iniingatan at inaalagaan. =)





Maraming mga pagbabago sa ating simbahan... Mga munting pagbabago tungo sa mas ikabubuti. Patuloy na suportahan ang mga gawain ng ating simbahan upang maging kaisa tayo ni Inang Maria at ng kanyang anak na si Hesus.